Hello Komiks People!
Panoorin ang interview natin kay Mervin Malonzo, komiks creator at artist sa likod ng Tabi Po!
Sa episode na ito, ikinuwento ni Mervin ang kanyang journey sa mundo ng komiks, pati na ang madalas na pagkakamali sa pag-spell ng kanyang pangalan. Ibinahagi rin niya kung paano siya naimpluwensiyahan ng Funny Komiks, lalo na ang Combatron, upang gumawa ng sarili niyang komiks. Para sa kanya, nakatulong din ang pagbabasa ng komiks sa paghasa ng kanyang reading skills.
Pinag-usapan din ang Tabi Po, ang kanyang kilalang web komiks tungkol sa mga aswang, kung bakit niya piniling gamitin ang web bilang medium ng distribution, at kung paano ito na-adapt bilang TV series ng Viva. Napag-usapan din ang QBCC comics anthology.
Bukod sa komiks, ibinahagi ni Mervin ang kanyang self-study sa animation at kung paano niya ginamit ang mga natutuhan niya sa paggawa ng komiks. Ikinuwento rin niya ang kanyang interes na i-animate ang Ella Arcangel ni Julius Villanueva.
Puno ng insights at kuwento ang episode na ito tungkol sa komiks, animation, at sa proseso ng pagbuo ng sariling creative path!
#IndieKomiksPodcast #MervinMalonzo #TabiPo #Combatron #FunnyKomiks #QBCC #EllaArcangel #JuliusVillanueva #PhilippineKomiks #PinoyKomiks #WebKomiks #FilipinoComics

