Hello Komiks People!
Panoorin ang interview namin with Dex Soy, isang malupit na comics artist from Pangasinan! Nirecord ang interview na ito sa Jakarta, Indonesia, noong 2018.
Sa episode na ito, pinag-usapan namin ang kanyang origin story at kung paano siya nagsimula sa paggawa ng komiks. Ikinuwento rin niya kung paano siya nadiscover ng Marvel matapos i-tweet ni Budjette Tan ang kanyang Thor fan art, at kung paano siya nag-try out bilang comics artist for Marvel.
Napag-usapan din ang ilan sa kanyang comic book projects, kabilang ang Captain Marvel, Red Hood, Superior Spider-Man, Gambit, at marami pang iba!
Isang interesting na kuwento tungkol sa journey ng isang Filipino comics artist na nakapagtrabaho para sa international comics industry. Enjoy watching!
#IndieKomiksPodcast #DexSoy #MarvelComics #FilipinoComicsArtist #CaptainMarvel #RedHood #SuperiorSpiderMan #Gambit #PhilippineKomiks #PinoyKomiks

