Hello Komiks People! Panoorin ang stage time namin sa ConFest 2025 by Kwentoon, kung saan inilunsad ang Cat’s Trail at Pasig Unbound. Ang segment ay hosted by Mel Casipit at Jon Zamar. Ang Cat’s Trail ay likha nina Elmber Damaso at Ms. Mei Sanchez-Damaso, habang ang Pasig Unbound naman ay gawa ni Melvin Calingo (a.k.a. Taga-Ilog). Ang interview na ito ay audio-only, ngunit makikita ninyo ang mga larawan mula sa mismong event at interview. Maraming salamat kay Chocnut San para sa mga photos. Ang ConFest 2025 ay ginanap sa Gimenes Gallery, UP Diliman, Quezon City noong December 17, 2025.

