Panoorin niyo ang interview natin kay Randy Valiente, isang komikero na maraming talento at ginagawa sa larangan ng sining. Bukod sa pagsusulat ng komiks, pocketbooks, at children’s books, nagdodrawing din siya ng komiks, storyboards, at children’s book illustrations. Isa rin siyang pintor!
Sa episode na ito, ikinuwento ni Randy ang kanyang recent trip sa Bangkok, Thailand, para dumalo sa Asia Link Sketchwalk Bangkok 2016. Ibinahagi niya ang kanilang sketching adventures, kabilang ang pag-sketch sa sikat na Grand Palace.
Nagkuwento rin siya tungkol sa kanyang mga karanasan bilang urban sketcher dito sa Pilipinas, kabilang ang isang insidente kung saan napigilan silang mag-sketch sa Cubao, at marami pang iba.
Samahan kami sa isang kuwentuhang puno ng art, travel, at urban sketching kasama si Randy Valiente!

