Hello Komiks People! Ito ang 2026 interview namin kay EK, alyas Komik Ninja! Pinag-usapan namin ang kanyang mga obserbasyon at karanasan sa Philippine komiks scene mula nang magsimula siyang mag-review ng komiks mahigit sampung taon na ang nakalipas. Tinalakay din namin ang ilan sa mga komiks na kanyang na-review, ang pagbabago ng komiks community sa paglipas ng panahon, at marami pang iba! Kasama sa episode sina Mel Casipit, Macoy, at Mik. Panoorin at alamin ang pananaw ni EK sa Philippine komiks scene mula noon hanggang ngayon! #IndieKomiksPodcast #IKP #KomikNinja #EK #PinoyKomiks #PhilippineComics #IndieKomiks #KomiksPeople #KomiksReview

