Hello Komiks People!
Pakinggan ang audio-only episode ng Indie Komiks Podcast kasama si Ramark Masangcay! Noong na-record ang interview na ito, nagsisimula pa lang siyang sumali sa mga komiks convention.
Sa episode na ito, nag-podcast kami habang nag-iinuman kasama ang mga IKPeeps sa Siam Thai, sa tapat ng Bayanihan Center, Pasig City.
Pinag-usapan namin ang mga komiks ni Ramark, kabilang ang Model Employees at Opismeyts, pati na ang kuwento sa likod ng kanyang unang comic strip joke. Nagkuwentuhan din kami tungkol sa indie komiks scene noong 2016, kabilang ang Indie Tiangge, Komikon, at ang unang impresyon ni Ramark sa independent komiks community matapos ang Summer Komikon.
Isang throwback episode na puno ng komiks talk, personal na kuwento, at mga alaala ng Philippine indie komiks scene noong 2016!
#IndieKomiksPodcast #RamarkMasangcay #ModelEmployees #Opismeyts #IndieTiangge #Komikon #SummerKomikon #PhilippineKomiks #PinoyKomiks #IndieKomiks

