Hello Komiks People!
Panoorin niyo ang quick interview natin kay Ian Velasquez tungkol sa Where the Line Begins, isang komiks art exhibit sa Manila Art 2026, held at SMX, SM Aura, Taguig City.
Kabilang sa exhibit ang mga original komiks art ni Mang Tony Velasquez, creator ng Kenkoy at Ponyang Halobaybay. Makikita rin dito ang mga obra ng iba pang komiks legends, kabilang ang National Artist for Visual Arts na si Francisco V. Coching, at ang mga gawa ng mga komikero mula sa Seven Lakes Comics Festival.
Binalikan din ni Ian ang nakaraang Kenkoy dance musical ng Alice Reyes Dance Philippines, na itinanghal sa Areté Hyundai Hall ng Ateneo de Manila University.
Isang magandang pagkakataon para balikan at pahalagahan ang pamana ng Philippine komiks at ang patuloy nitong impluwensiya sa iba’t ibang anyo ng sining!
#IndieKomiksPodcast #IanVelasquez #WhereTheLineBegins #ManilaArt2026 #TonyVelasquez #Kenkoy #PonyangHalobaybay #FranciscoCoching #SevenLakesComicsFestival #AliceReyesDancePhilippines #PhilippineKomiks #PinoyKomiks

